Filtered By: Showbiz News | News
klarisse de guzman and kim ji soo
Showbiz News

Kim Ji Soo-Klarisse De Guzman moments, pinusuan 'PBB' viewers

By Kristine Kang
Marami ang naaliw sa kulitan at kilig moments nina Kim Ji Soo at Klarisse De Guzman sa PBB house!

Patuloy ang hatid na kasiyahan at mga kwento ng totoong buhay sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Kamakailan lang, mas dumagdag ang kilig vibes sa loob ng Bahay ni Kuya nang pumasok ang Sparkle South Korean heartthrob na si Kim Ji-soo.

Agad na naging usap-usapan online ang unang meeting ni Ji-soo at ng PBB housemates. Kitang-kita rin sa livestream ang kulitan moments, daily routines, at effortless charm ni Ji Soo habang nakikipag-bonding sa kanyang housemates.

Pero ang pinaka kinagigiliwan ngayon ng viewers ay ang natural at nakatutuwang chemistry niya at ng Kapamilya housemate na si Klarisse De Guzman.

Sa kanilang pagkakakilala, tila kaagad nag-click ang duo.

"Ako po [si] Kim Ji-soo, nice to meet you. 32 years old. Kuya also," ani Ji Soo habang nagpapakilala.

"33," pagpapakilala naman ni Klarisse.

Hirit ng Korean star, "Ah! Noona (older sister)!"

Pabirong sagot ni Klarisse, na agad nagpatawa sa lahat, "I think this is it,"

Mas lalo pang nadagdagan ang kilig vibes nang sabay silang sumabak sa isang K-drama acting challenge. Si Klarisse, halos hindi makapagsalita sa kilig nang matagal silang nagkatitigan ni Ji-soo

Dahil dito, pinusuan agad ng netizens ang tambalang Ji-soo at Klarisse online. Narito ang ilang comments tungkol sa kanila:

"Wow may JiKlang loveteam na. Sana maranasan din naman ni Klang na may ka-loveteam kahit 3 days lang."

"Kinilig Ako kay kim ji soo and klarisse."

"Paraparaan ah ate Klang! hahahaha."

Bukod sa kilig, good vibes at tawanan din ang hatid ng bagong PBB "love team." Marami ang naaliw sa kanilang mga banter, pati na ang relatable moments ni Klarisse sa tuwing nagsasalita ito ng Ingles.

Sabi pa ng ilang viewers: "Yung tawa talaga nilang dalawa nakakadala."

"Laro talaga HAHAHAHAHA."

"Ano na Klarisse kanina ka pa ah. Hindi ka pa ba pagod? Charot!"

"Okay din 'to si Jisoo ah, gets na niya mga humor nila."

Samantala, tingnan ang hot at stylish photos ni Kim Ji-soo sa gallery na ito:

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Kilalanin ang celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa gallery na ito:

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.