Filtered By: Showbiz News | News
GMA Black Saturday schedule
Showbiz News

SCHEDULE: GMA-7's Black Saturday Programming (April 19, 2025)

By Marah Ruiz
Narito ang listahan ng mga programa ng GMA-7 para sa Black Saturday, April 19, 2025.

Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (April 17), Good Friday (April 18), at Black Saturday (April 19).

Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Black Saturday.

Simulan ang araw sa pamamagitan ng paggunita sa buhay ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa pelikulang Jesus, 6:00 a.m.

Alamin ang papel ng musika sa pagpapatibay ng pananamapalataya sa Himig Panalangin, 7:30 a.m.

Sumama sa masasayang adventures sa iba'tibang mundo sa animated specials na Dr. Seuss' The Lorax, 9:30 a.m. at Escape from Mr. Lemoncello's Library, 10:30 a.m.

Abangan din ang kuwento ng prinsipe na naging alipin sa Ben-Hur, starring Jack Huston Toby Kebbell, at Morgan Freeman, 12:00 p.m.

Ibabahagi naman ni Bea Alonzo ang naging impluwensiya ng nanay niya sa kanyang buhay at career sa My Mother, My Story: Bea Alonzo, 2:00 p.m.

Ma-inspire sa kuwento ng buhay ni Jesus mula sa pananaw ng mga taong nakasalamuha niya tulad ng mga apostol, disipulo, at maging ng mga ordinaryong tao sa The Chosen, 3:00 p.m.

Sumama din sa culinary adventure ni Kara David sa Pinas Sarap: Paombong, 5:30 p.m.

Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras Weekend, 6:30 p.m.

Balikan ang isang epic love story sa gitna ng malaking trahedya sa Titanic na pinagbidahan nina Leonardo di Caprio at Kate Winslet, 7:30 p.m.

Maantig naman sa kuwento ng isang nanay na hindi iniinda ang katandaan para maalagaan lang kanyang anak na may kapansanan sa pag-iisip sa dokumentaryo ni Atom Araullo na i-Witness: Mga Bakanteng Selda, 11:15 p.m.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday dito.

Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday dito.

Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, April 20.

Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.