GMA Logo Ronnie Liang, Matt Lozano, Larkin Castor
What's Hot

Ronnie Liang, Matt Lozano, at Larkin Castor, nagbigay ng payo sa mga aspiring artista

By Marah Ruiz
Published April 4, 2025 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ronnie Liang, Matt Lozano, Larkin Castor


Nagbigay ng payo sina Ronnie Liang, Matt Lozano, at Larkin Castor sa mga nag-audition para sa Sparkle Campus Cutie.

Bumisita ang Sparkle GMA Artist Center sa Jose Rizal University para sa unang leg ng Sparkle Campus Cutie.

Nagpakitang-gilas naman ang mga estudyante rito at ipinamalas ang talento nila sa singing, dancing, modeling, at marami pang iba.

Special guest at performers naman ang Sparkle stars na sina Matt Lozano, Aya Domingo, Larkin Castor, Bont Bryan, at Ronnie Liang sa campus artista audition na ito.

Nagbigay rin ang ilan sa kanila ng payo para sa mga aspiring artista.

"Huwag tayong mag-give up sa pangarap natin. Ako noon, nagbibiyahe pa ko from Pampanga to Manila para maka-audition," paggunita ng singer-actor na si Ronnie.

Ganito rin ang payo ni Matt na isa ring singer-actor at kasalukuyang bahagi ng primetime action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

"Huwag kayong hihinto sa mga pangarap n'yo. Kahit gaano kahirap 'yung pagsubok na pagdadaanan niyo, laban lang," aniya.

"Focus lang sila sa goal, huwag silang mag-give up," dagdag naman ng Sparkada member na si Larkin.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa ibaba.