Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Cheska Fausto, naghahanda na para sa bagong GMA drama series
Isa sa kaabang-abang na seryeng mapapanood sa Kapuso network ay ang upcoming drama series na Hating Kapatid.
Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Zoren Legaspi.
Sa Instagram, ibinahagi ng direktor ng serye na si Adolf Alix Jr. ang larawan kasama sina Cassy, Mavy at co-star nilang si Cheska Fausto habang nasa workshop para sa upcoming serye.
“#HatingKapatid soon on GMA Afternoon Prime,” sulat sa caption.
Samantala, sa isang “Chika Minute” report, sinabi ng kambal na magkahalong excitement at kaba raw ang nararamdaman nila sa kanilang upcoming project kasama ang kanilang magulang.
RELATED: #FamilyGoals: Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Mavy, and Cassy
“I'm very excited and I'm curious din kung paano kaya ang working dynamics namin,” saad ng Sparkle actress.
Ani naman ng young actor, “May kaba ako, more on excitement kasi I believe in our work, kumbaga our craft as a family and also the craft ng bawat isa. So I'm very excited to show the viewers what we're capable of.”
Kabilang din sa cast ng Hating Kapatid sina Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Glenda Garcia, Mel Kimura, Cheska Fausto.