Mommy Dearest: Ligaya, patuloy pa rin sa paghahanap ng kaniyang nawawalang anak
Para kay Ligaya (Amy Austria), kulang ang kaniyang pagiging ina kahit na kasama naman niya ang kaniyang anak na si Emma (Katrina Halili). Sa mga nakaraang episode ng hit GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest, sinimulan na niyang hanapin ang nawawala niyang mga anak.
Kamakailan ay muling nakita ni Ligaya si Virgie, ang taong nakakaalam kung kanino napunta ang kanyang mga anak. Dito, sinabi niyang tila may kulang sa pagkatao niya simula nang mawalay ang mga anak niya sa kaniya. Aniya, hindi kumpleto ang kaniyang pagiging ina.
Sa kasamaang palad, hindi na raw alam ni Virgie kung nasaan ang taong pinagbigyan niya ng mga anak ni Ligaya.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA KAHANGA-HANGANG CELEBRITY MOMS SA GALLERY NA ITO:
Sa March 26 episode ng Mommy Dearest, binalikan nina Virgie si Ligaya at sinabing alam na nito kung saan nakatira si Alice, ang kumupkop sa mga anak niya. Kaya naman, dali-dali niyang pinuntahan ito.
Ngunit nang sa wakas ay nakausap na niya si Alice at hilingin ni Ligaya na makita ang kaniyang mga anak, sinabi nitong wala sa kaniya ang mga ito. Nang linawin ni Ligaya kung dahil may kaniya-kaniya nang pamilya ang mga anak niya, sinabi ni Alice na hindi naman lumaki ang mga ito sa kaniya.
Ngayon ay balik sa simula si Ligaya sa paghahanap sa kaniyang mga anak. Sa episode ng Mommy Dearest ngayong Huwebes, March 27, sinabi niya kay Emma ang ginagawa niyang paghahanap sa mga kapatid nito.
Mahanap pa kaya ni Ligaya ang mga nawawalang niyang anak? Abangan sa sa Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA at Kapuso stream.