GMA Logo mavy legaspi
Courtesy: mavylegaspi (IG)
What's Hot

Mavy Legaspi, kinakabahan rin sa unang eviction night ng 'PBB Celebrity Collab Edition'

By EJ Chua
Published March 27, 2025 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

mavy legaspi


Mavy Legaspi sa nalalapit na eviction night ng 'PBB Celebrity Collab Edition': “I wish I could save all of them.”

Nakaabang na ang mga manonood at fans ng celebrity housemates sa kauna-unahang eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ngunit bukod sa housemates, tila kinakabahan na rin ang isa sa Pinoy Big Brother hosts na si Mavy Legaspi, na boyfriend ng isa sa housemates na si Ashley Ortega at malapit na kaibigan ni Michael Sager.

Sa naging panayam ni Aubrey Carampel kay Mavy sa "Chika Minute," nagbigay ng pahayag ang Sparkle star tungkol sa mangyayaring eviction sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sabi ni Mavy, “Besides Ashley [Ortega] and Michael [Sager], I'm very close to each and every one of them.”

Dagdag niya, “I wish I could save all of them pero again at the end of the day it's the thrill of Pinoy Big Brother, to win the hearts of the netizens and siyempre the housemates."

Related Gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity
Collab Edition

Matatandaang minsan nang pinapasok ni Kuya sa kaniyang bahay si Mavy bilang houseguest, kung saan personal niyang nakasama ang celebrity housemates.

Si Mavy ay kilala ngayon bilang Kapuso Royal Tropa ni Kuya at bukod sa pagiging host ng Pinoy Big Brother, mapapanood din siya sa upcoming series kasama ang kaniyang pamilya na pinamagatang Hating Kapatid.

Samantala, huwag palampasin ang susunod na challenges at sorpresa na matatanggap ng housemates mula kay Kuya.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.