Arra San Agustin, proud at thankful na makapaglabas ng bagong kanta na 'Balang Araw'
May bagong kantang ilalabas ang Sparkle actress na si Arra San Agustin, ang "Balang Araw," na mapapakinggan na ngayong Biyernes, March 28, sa iba't ibang digital music platforms worldwide.
Halos tatlong taon na ang nakalipas noong huling naglabas ng kanta si Arra, ang kanyang debut single na "Hanggang Dito Na Lang," noong July 2022.
Ang "Balang Araw" ang ikalawang single niya under GMA Playlist. Ayon kay Arra, ang pop ballad na ito ay tungkol sa self-empowerment, at paniniwala na balang araw ay matutupad mo rin ang mga pangarap mo sa buhay.
"'Balang Araw' is about from the title itself, 'Balang Araw,' someday mararating mo rin 'yung gusto mong marating," sabi ni Arra sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
Masaya si Arra at proud na muli siyang makakapaglabas ng bagong kanta. Aniya, "I feel so proud and privilege na mayroon akong ganitong chance and opportunity na ibinibigay sa akin. Pinagkakatiwalaan ako sa ganitong mga materyal.
"So, malaking pasasalamat ko. I'm very grateful at thankful to GMA, to GMA Playlist for letting me do this. I mean, this is out of the ordinary na magkaroon ka ng kanta on streaming platforms. For me, it's a big deal. Masayang-masaya talaga ako."
Maaaring i-pre-order ang "Balang Araw" sa iTunes hanggang March 27.