Netizens, naka-relate sa 'To get an ID, you need an ID' comment ni Josh Ford
Nag-open up ang Fil-British actor na si Josh Ford sa mga napansin niya noong tumira siya dito sa Pilipinas.
Mula United Kingdom ang Sparkle actor na kasalukuyang housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Habang nakikipagkuwentuhan si Josh sa housemates, naalala niya ang proseso ng pagkuha ng identification card sa bansa.
Lahad niya, “Ang stressful. Ang mahirap lang dito, to get an ID, you need an ID. Parang napaisip ako.”
Dagdag niya, “Ayun nga, 'yun ang hindi ko maintindihan. Ang hirap, ang hirap. Tapos pipila ka ng sobrang haba and Filipino time is true ha, so true.”
“I mean okay traffic does, oo, Filipino time talaga. Kaya mong i-adjust din, oo. Kaya normally 'pag may birthday, 'O, 6:00 p.m. start, mamaya na tayong 8 mag-start.' Nag-start, 9.”
Source: GMA Network & Pinoy Big Brother
Marami namang netizens ang agree sa obserbasyon ni Josh. Hirit pa ng isa, “I feel him.”
Source: JackyLabz (YT)
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
RELATED CONTENT: Old ID photos of celebrities that give off nostalgic vibes