Andrea Torres, Benjamin Alves, Lianne Valentin, at iba pa, mapapanood sa 'Akusada'
Isang bagong suspense drama series ang dapat abangan ng Pinoy viewers at netizens sa GMA Afternoon Prime ngayong taon.
Ito ang Akusada, ang bagong seryeng pagbibidahan ni Andrea Torres, kung saan makakasama niya ang kaniyang kapwa Kapuso stars na sina Benjamin Alves at Lianne Valentin.
Masayang nagkita-kita sina Andrea, Benjamin, at Lianne sa naganap na story conference para sa upcoming series nitong Lunes, March 24, 2025.
Bukod sa tatlong Kapuso stars, spotted din sa event ang iba pang kabilang sa cast na sina Marco Masa, Princess Aliyah, Jennifer Maravilla, Arnold Reyes, at child star na si Jourdanne Baldonido.
Kapansin-pansin sa story conference na talaga namang excited na ang buong cast sa magiging role nila sa bagong programa.
Samantala, dumalo rin dito ang direktor ng serye na si Direk Dominic Zapata, Program Manager na si Edlyn Tallada, at iba pang miyembro ng Creative at Production team na bubuo ng palabas na ito.
Abangan ang pagsisimula ng Akusada ngayong 2025, sa GMA Afternoon Prime.