Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, wagi bilang Best Talent Search Program Hosts sa 38th PMPC Star Awards for TV
Wagi ang magkasintahang Julie Anne San Jose at Ravyer Cruz bilang Best Talent Search Program Hosts sa 38th PMPC Star Awards for Television.
Iginawad ang parangal kina Julie at Rayver para sa kanilang performance bilang Clash Masters sa 2024 edition ng all-original Filipino singing competition na The Clash, na magkakaroon ng bagong season ngayong 2025. Ginanap ang annual award ceremony, na inorganisa ng Philippine Movie Press Club, noong Linggo, March 23, sa Dolphy Theater.
Sa Instagram, ipinahayag ni Julie ang kanyang pasasalamat sa PMPC.
Sulat niya sa caption, "Maraming salamat PMPC Star Awards sa pagkilalang ito! It's truly an honor to be part of @theclashgma as hosts for the past 5 years, and we hope to continue to inspire more Pinoy talents all over the world through this platform."
Nagpasalamat din ang Limitless Star sa mga taong nasa likod ng The Clash. Patuloy niya, "Salamat din sa aming mga executives, sa aming pinakamamahal na direktor @direklouieignacio at sa lahat ng bumubuo nito. Thank you @gmanetwork @sparklegmaartistcenter for believing in us. To our families, friends and supporters, we love you all. To God be the glory".
Sa parehong event, kinilala rin si Julie bilang Female Shining Personality of the Night.
Bukod kina Julie at Rayver, wagi rin ang iba pang Sparkle artists sa 38th PMPC Star Awards for TV na sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Shaira Diaz, Kaloy Tingcungco, at Paolo Contis.
Sa ngayon, napapanood si Julie sa bagong murder mystery series na Slay. May bagong pelikula naman si Rayver na pinamagatang Sinagtala, na isang musical film na ipapalabas na sa mga sinehan simula April 2.
Parehong mainstays sina Julie at Rayver ng Kapuso noontime show na All-Out Sundays.
RELATED CONTENT: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's kilig moments as told in photos