Filtered By: Showbiz News | News
Tim Yap Bianca Umali Miguel Tanfelix
Photo source: Gerlyn Mae Mariano
Showbiz News

Tim Yap, pinuri ang acting skills nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix

By Karen Juliane Crucillo
Bakit kaya hanga si Tim Yap kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix?

Hindi napigilan ng celebrity eventologist na si Tim Yap na purihin ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Sa contract signing ni Tim bilang isang Sparkle artist na ginanap noong March 18, naitanong sa kaniya kung sino ang mga hinahangaan at mga gusto niyang makatrabaho na mga Kapuso star.

"I remember seeing a young Bianca Umali in one of the department's events. Ako kasi if I see in them sparkle, I would go say to them 'Hey maganda ka at maganda 'yung aura mo. You have something to offer mga ganon,'" ikinuwento ni Tim nang unang makilala aktres.

Dagdag ni Tim, "I see a lot of intense actors. Ang daming magagaling. I see the work of Bianca Umali and Miguel Tanfelix."

Excited din si Tim na makatrabaho ang ibang Kapuso stars dahil sabi nito na ang GMA artists ay ang pinaka "considerate, kindest, and most generous" na puwedeng makatrabaho sa industriya.

Napag-usapan din ang kaniyang posibleng makatambal sa isang acting project.

"I think hindi naman ako pang-loveteam," sagot ni Tim. "I think my purpose is not to make people fall in love but to make people empowered and realize what their sense of purpose is."

Sa larangan naman ng hosting, nabanggit niya na gusto niya makatrabaho si Boy Abunda.

Samantala, ipinangako naman ni GMA Network senior vice president Annette M. Gozon-Valdes na mapapanood si Tim sa mga drama show sa GMA ngayong taon.

Ang huling proyekto ni Tim sa GMA ay noong 2015 bilang host sa kaniyang self-titled celebrity talk show The Tim Yap Show.

RELATED: TIM YAP JOINS SPARKLE'S ROSTER OF STARS

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.