Glaiza de Castro, Matt Lozano, Arci Munoz, excited nang mapanood ng mga tao ang 'Sinagtala'
Excited ang mga bida ng upcoming musical film na Sinagtala na sina Glaiza de Castro, Matt Lozano, at Arci Muñoz sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang pelikula sa April 2. Makakasama rin nila sa pelikula sina Rayver Cruz at Rhian Ramos.
Nitong Huwebes, March 20, ay naganap ang red carpet premiere ng Sinagtala sa SM Megamall Cinema 3 na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan para magbigay ng suporta.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ipinahayag ni Arci Munoz kung gaano kaimportante sa kaniya at sa kaniyang co-stars na maipahatid ang mensahe ng kanilang pelikula sa mga manonood.
“It means so much to me, it means so much to us na we're able to express ng maayos kung ano 'yung mensahe na gustong ipahayag nu'ng pelikula and also I just can't wait for people's reactions,” sabi ng aktres.
Binanggit din ni Arci kung gaano kaimportante para sa kaniya na maramdaman ng mga manonood ang mensahe ng kanilang pelikula.
BALIKAN ANG KAPUSO SINGERS NA KILALA RIN BILANG ACTORS SA GALLERY NA ITO:
Nanggagaling naman ang excitement ni Glaiza de Castro sa mensahe na gustong ipahatid ng pelikula na hiling niya ay maka-relate ang mga manonood nito.
“It talks about your purpose in life, music, friendship, relationships, family, ang dami niyang hindi na subjects and I know and I'm sure na ' yung mga taong makakapanood nito, makaka-relate. So excited ako kung ano ang magiging reaction nila,” sabi ng aktres.
Sobrang saya naman ni Matt Lozano na sa wakas ay napagsama na sa isang proyekto ang dalawa niyang passions: music at acting. At ang ikinasabik niya sa proyektong ito ay ang makapagbigay sila ng inspirasyon sa ibang tao.
“Sobrang happy ako kasi these are my two passions, parang vinolt in. Parang music and acting, and I think mas excited ako kasi pakiramdam ko mas makakapagbigay inspiration siya sa mga manonood,” sabi ng actor-singer.
Abangan ang Sinagtala sa mga sinehan sa April 2.