
Out na ang poster ng pelikulang maraming tawang hatid ngayong Abril!
Inilabas na ng GMA Pictures ang official poster ng Samahan Ng Mga Makasalanan, ang comedy film kung saan gaganap si David Licauco bilang si Deacon Sam.
Mapapanood din sa Samahan Ng Mga Makasalanan sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Betong Sumaya, at marami pang iba. Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.
Saad sa poster reveal ng GMA Pictures,"ITO NA ANG TUKSONG HINDI MO PWEDENG TANGGIHAN -- 'SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN' POSTER REVEAL!
Ang poster na magbibigay sa inyo ng MINUS 10,000 Ligtas Points, pero ito ang pelikulang maraming tawang hatid… mga pipti!
Starring David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, plus many more!!!
Directed by Benedict Mique. Written by Aya Anunciacion and Benedict Mique.
#SamahanNgMgaMakasalanan
April 19 in cinemas nationwide!"
Samantala, may exciting na meet-and-greet ang cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan sa March 29, 4:00 PM sa Mall Atrium ng SM City Caloocan. Kasama rito sina David at iba pang cast na sina Buboy Villar, Liezel Lopez, Jay Ortega, Jade Tecson, Tito Abdul, Tito Marsy, at Liana Mae. May inihanda ring musical performance si Mitzi Josh.
Abangan ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa mga sinehan sa April 19, directed Benedict Mique and written by Aya Anunciacion and Benedict Mique.