What's Hot

GMA Integrated News at Sales & Marketing Group, kinilala sa 12th Araw Values Awards

By Kristine Kang
Published March 20, 2025 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Integrated News add Sales and Marketing Group


Congratulations sa lahat ng Kapuso winners!

Patuloy na nagniningning at kinikilala ang GMA Network ng iba't-ibang award-giving bodies. Mula sa mga mahuhusay na artista hanggang sa mga direktor at staff, maraming Kapuso ang nagwawagi at nagiging inspirasyon para sa mga Pilipino.

Kamakailan lang, nanalo ang GMA Integrated News at Sales & Marketing Group sa 12th Araw Values Awards na ginanap sa Aliw Theater.

Sa categoryang Concerned for and Preservation of the Environment, bronze award winner ang GMA Integrated News para sa kanilang climate change special series plug na Banta ng Nagbabagong Klima.

Ang naturang pagkilala ay tinanggap ng Senior Vice President ng GMA Integrated News, Regional TV and Synergy na si Oliver Victor Amoroso.

Aniya, "Ang network kasi patuloy ang pagbibigay pansin sa issues ng lipunan, ng ating bansa. Sa palagay natin isa na dito 'yung pinaka importanteng isyu ay 'yung climate change. So itong recognition na ito hopefully that would further drive us to elevate our commitment for that drive natin na mabigyan pa ng mas mataas na lebel ng pag-uusap o pagtalakay sa climate change."

Nagwagi naman ang GMA Sales & Marketing Group bilang bronze winner sa categoryang Concern for and Preservation of the Environment para sa "DOH With GMA: The Healthy Juan Season 3: Kalusugan, Kabuhayan, Kapaligiran."

Maging sa Reverence For Family Unit or Marriage of Responsible Parenthood Category nanalo sila ng bronze para sa kanilang "GMA's Bida Bawat Bata Campaign."

Silver naman ang Kapuso group sa Respect and Care for Life and Dignity and the Rights of All Category para sa "DOH With GMA: Resbakuna: Kasangga ng Bida."

Ang Araw Values Awards ay binuo at idinidiwang para parangalan ang advertisements sa iba't ibang plataporma na may mga natatanging mensahe.

Congratulations, mga Kapuso!