Filtered By: Showbiz News | News
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates
Courtesy: GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother
Showbiz News

Bagong duos sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition,' pinag-uusapan

By EJ Chua
Masaya ang Pinoy viewers sa bagong magkaka-tandem sa loob ng Bahay ni Kuya sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Kasunod ng pag-alis ng Phenomenal Content Queen ng Quezon City na si Ivana Alawi sa Bahay ni Kuya, kinailangang magpalit ng ka-duo ang bawat housemate.

Sa previous episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, inanunsyo ni Kuya ang tungkol sa pagkakaroon ng ka-duo. Ang bawat duo ay binubuo ng isang Kapuso o Sparkle star at isang Kapamilya o Star Magic artist.

Related gallery: Kilalanin ang housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Naganap ang palitan ng partners, na lubos na ikinatuwa ng viewers at netizens na nakasubaybay sa bagong season ng teleserye ng totoong buhay.

Kabilang sa kinagigiliwan ngayon ay ang tambalan nina Dustin Yu at Esnyr na kilala ngayon bilang DusNyr.

Suportado rin ng mga manonood ang Team JoKla, ang tawag sa duo nina Josh Ford at Klarisse De Guzman at ang Team KiZ, ang tawag naman ngayon kina Kira Balinger at AZ Martinez.

Ang ilan naman, kinikilig sa bagong duo nina Mika Salamanca at Brent Manalo, na bumubuo sa Team Ment.

Si AC Bonifacio naman ang ka-duo ngayon ni Ashley Ortega na noong una ay ka-tandem ng house guest at vlogger na si Ivana Alawi.

Magka-pares ngayon ang dalawang heartthrob ngunit shy type na sina Will Ashley at River Joseph, habang si Michael Sager naman ang makakatulong ngayon ni Ralph De Leon sa mga susunod na task na ibibigay sa kanila ni Big Brother.

Sa pagpasok naman ng bagong housemate na si Bianca De Vera, ang Sparkle star na si Charlie Fleming ang kaniyang kasangga sa bawat hamon sa loob ng Bahay ni Kuya.

Huwag palampasin ang susunod na challenges na matatanggap ng housemates mula kay Big Brother.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.