Filtered By: Showbiz News | News
PBB Ivana Alawi
Showbiz News

Ivana Alawi talks about her 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' experience

By EJ Chua
Ivana Alawi sa pagiging house guest sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition': "Hindi lang experience ang na-gain ko sa Bahay ni Kuya, kundi isang pamilya."

Ilang araw pa lang ang nakalipas mula nung makalabas ang vlogger-actress na si Ivana Alawi sa Bahay ni Kuya, matapos magsilbing house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Matapos magpaalam, emosyonal na inalala ni Ivana ang masasayang moments niya kasama ang celebrity housemates sa loob ng iconic house.

Sa kaniyang latest Facebook post, mapapanood ang isang reel, kung saan tampok ang bonding moments nila ng ilang Kapuso stars at kapwa niya Kapamilya artists nung siya ay house guest pa.

Kakabit ng reel ang nakaaantig na caption ni Ivana, kung saan mababasa na ibinahagi niya ang kaniyang experiences bilang parte ng pamilya ni Big Brother.

Parte rin nito ang revelation tungkol sa pangarap niya noon na maging isang housemate.

Pahayag niya, “Isa sa mga pangarap ko ang maging housemate sa Bahay ni Kuya, kaya malaki ang pasasalamat ko sa PBB [Pinoy Big Brother], dahil na-experience ko maging housemate kahit bilang house guest lang…”

Pagpapatuloy pa ni Ivana, “Ang dami kong realizations sa loob, ang dami kong natutuhan, at babaunin ko lahat 'yun sa outside world.”

Ayon pa sa kanya, kahit ilang araw pa lang siyang nasa outside world ay sobrang nami-miss na niya ang kanyang housemates.

“Hindi lang experience ang na-gain ko sa Bahay ni Kuya, kundi isang pamilya. Ngayon pa lang sobra ko na silang miss,” sabi ni Ivana.

Pahabol na mensahe niya sa housemates, “Ihahanda ko na ang luto ko para sa inyo.”

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 3.7 million views ang pinag-uusapang Facebook reel.

Si Ivana ay nakilala sa bagong season ng teleserye ng totoong buhay bilang Phenomenal Content Queen ng Quezon City.

Samantala, abangan ang non-stop na mga sorpresa sa bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.