Filtered By: Showbiz News | News
KDrama na 'Red Balloon', mapapanood na tuwing hapon sa GMA
Published On: March 17, 2025, 02:00 PM
Updated On: March 19, 2025, 01:39 PM
Samahan sina Seo Ji-hye, Lee Sang-woo, at Hong Soo-hyun ng Korean series na "Red Balloon," mamayang 5:10 p.m. sa GMA.
Mapapanood na tuwing hapon sa GMA ang Korean series na Red Balloon.
Pinagbibidahan ang betrayal series nina Seo Ji-hye bilang Pia, Lee Sang-woo bilang Rayver, at Hong Soo-hyun bilang Ruth, kasama sina Lee Sung-jae bilang Harry at Jung Yoo-min bilang Iris.
Tampok sa Red Balloon ang kuwento ng matalik na magkaibigan na sina Pia at Ruth, na sisirain ng inggit at pag-ibig.
Handa si Pia na gawin ang lahat makuha lamang ang kanyang pinapangarap, kahit na ang asawa ng kaibigang si Ruth.
Paano kung malaman ni Ruth na may lihim na pagtingin pala si Pia sa kanyang asawang si Rayver?
Abangan ang Red Balloon Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI SEO JI-HYE SA GALLERY NA ITO:
Trending Articles