Filtered By: Showbiz News | News
dustin yu and ivana alawi
Courtesy: dustinyu (IG), yukiesarto (IG), ivanaalawi (IG)
Showbiz News

Dustin Yu, nalungkot sa paglabas ni Ivana Alawi sa 'Pinoy Big Brother' house

By EJ Chua
Dustin Yu kay Ivana Alawi: “Sa 'yo ko lang naramdaman 'yung mayroon pa lang may paki...”

Tila nabalot ng lungkot ang loob ng Bahay ni Kuya nitong weekend sa paglabas dito ng Kapamilya star at vlogger-actress na si Ivana Alawi.

Matapos i-reveal ang tungkol sa pagiging house guest ni Ivana, isa-isang nagbigay ng mensahe ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates para sa una.

Isa sa kanila ang Kapuso o Sparkle star na si Dustin Yu, na kilala ngayon bilang Chinito Boss-Sikap ng Quezon City.

Naging emosyonal si Dustin sa kaniyang farewell message para kay Ivana, “First time ko matanong kung ano 'yung pinakamahirap na problema sa buhay ko. Nung tinanong mo sa akin 'yun parang sabi ko, bakit ikaw lang…”

“Sa 'yo [Ivana Alawi] ko lang naramdaman 'yung mayroon pa lang may paki, kasi buong buhay ko parang ako lagi nagke-care,” dagdag pa ng Sparkle actor.

Ayon pa sa kanya, ang Phenomenal Content Queen ng Quezon City lang ang nagparamdam sa kanya na siya ay importante rin.

Sabi ni Dustin kay Ivana, “Sobrang thank you kasi naramdaman ko na importante rin pala ako.”

Patuloy na subaybayan ang buhay ni Dustin sa loob ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang pinag-uusapang programa, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.