Michael Sager, naka-collab na noon sina Ivana Alawi at Esnyr?
Bago pa pumasok sa Bahay ni Kuya sina Michael Sager, Ivana Alawi at Esnyr Ranollo ay nagkaroon na ng pagkakataon na magka-collab ang tatlo.
Matatandaan na nag-viral ang TikTok dance video nila habang sinasayaw ang kantang “Tiramisu Cake” noong September 9, 2024.
May mahigit six million views na ang naturang video ng My Ilonggo Girl actor.
RELATED CONTENT: 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' housemates reveal their Duo names
Bukod kay Michael, parte rin ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang mga Kapuso artists na sina Ashley Ortega, Mika Salamanca, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, at Dustin Yu.
Makakasama rin sa historic project na ito ang mga talents na sina Brent Manalo, Esnyr, Brent Manalo, River Joseph, Ralph De Leon, Kira Balinger, at singer na si Klarisse De Guzman.
House guest naman ni Kuya si Ivana this season.
RELATED CONTENT: GET TO KNOW MICHAEL SAGER