What's Hot

Ruru Madrid, masayang ibinida ang 'Green Bones' sa L.A.

By Kristine Kang
Published March 14, 2025 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid in Manila International Film Fest


Proud na proud si Ruru Madrid na ipresenta ang 'Green Bones' sa Hollywood.

Isang mahalagang milestone para kay Ruru Madrid ang makadalo sa Manila International Film Fest (MIFF) 2025 sa Los Angeles, U.S.A.

Kasama ang kanyang co-star na si Sofia Pablo, ipinresenta nila sa festival ang 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Picture winner na Green Bones.

Parehong stunning ang Kapuso stars sa red carpet ng awards night, at masaya rin nilang sinagot ang mga katanungan ng viewers sa special screening ng pelikula.

Sa panayam kasama si Aubrey Carampel, ibinahagi ni Ruru na isa itong hindi malilimutang experience sa Hollywood.

"Madala po natin 'yung ganoong klaseng film sa abroad at mapanood po ito ng mga kapwa nating Pilipino na doon naninirahan, napakasarap sa puso. Makita (rin) po sila na umiiyak at kumbaga nakaka-relate istorya ng Green Bones," masayang pahayag ni Ruru.

Bukod sa pinanood ang pelikula kasama ang global Pinoys, marami ring nakilala si Ruru sa festival. Mula sa kapwa Pinoy artists hanggang sa Hollywood directors at creatives, masaya ang Kapuso star na makapagbahagi ng kanyang kwento sa kanila.

Tingnan dito ang stunning at dashing looks nina Sofia Pablo at Ruru Madrid sa special screening ng Green Bones.

Kasama rin nina Ruru at Sofia sa MIFF ang Kapuso stars na sina John Arcilla at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Matapos ang film fest, spotted din ang apat sa "Konsyerto para sa Filipino," kung saan nakisaya sila sa global Pinoy community sa Amerika.

Samantala, balik taping naman na si Ruru para sa action primetime series na Lolong: Bayani ng Bayan. Marami raw dapat abangan dahil mas magiging intense ang mga labanan at istorya ng serye.

Balikan ang notable roles ni Ruru Madrid sa gallery na ito: