
Nakatanggap ng magandang regalo si Jean Garcia mula sa kaibigan at kapwa actress na si Timmy Cruz.
Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Jean ang ipinadalang white orchids ni Timmy sa kanya.
Lubos na nagpapasalamat si Jean, hindi lang sa mga bulaklak, kundi pati sa nabuong pagkakaibigan sa pagitan nila.
Photo: timmycruztlc / Instagram
Matatandaang co-stars ang dalawa sa mystery drama series na Widow's War kung saan gumanap sila bilang mag-balae na hindi magkasundo.
"This is sooo sweet and thoughtful…you didn't have to, but I'm sure glad you did This gift is a true reflection of the beautiful friendship we share. Thank you my dear Ms. Timmy, love you!!! @timmycruztlc ," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Kasalukuyang napapanood si Jean sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Nagbabalik siya dito bilang Dona Bason, asawa ng isang dating makapangyarihang pulitiko.
Nakulong siya dahil sa mga ilegal na gawain ng kanyang pamilya pero nakatakda na siyang lumaya.
Bago pa man makalaban sa piitan, handang-handa na siya sa paghihiganti niya labang kay Lolong (Ruru Madrid).
Panoorin ang trailer para sa ika-walong linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan:
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.