Bianca Umali at Kelvin Miranda, ipinasilip ang training ng fight scenes sa 'Sang'gre'
Patuloy ang pag-eensayong ginagawa ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali at Kelvin Miranda para sa fight scenes sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Biyernes (March 7), focus sa kanilang fight rehearsal sina Bianca at Kelvin, at isinasapuso ang kanilang mga bagong kaalaman sa pakikipaglaban.
"Itong ni-rehearse ko today ay mahalang eksena. Hindi namin basta-basta pinapabayaan, basta-basta madali lang. We make sure that everything is aligned lalo kapag action, drama 'yung eksena. And, we rehearse a day before," sabi ni Bianca.
Sa kanilang training, hindi naiiwasang masaktan sila tulad ng mga daplis sa kanilang sandata at mga sipa.
"Kaya ka nagte-training, kaya mo siya inuulit para maiwasan 'yung mga ganu'ng pangyayari. So, kailangan lang talagang maging displinado," dagdag ni Kelvin.
Sa Sang'gre, makikilala si Bianca Umali bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa, habang gaganap naman si Kelvin Miranda bilang Adamus, na magiging tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig.
Makakasama rin nina Bianca at Kelvin bilang new-gen Sang'gres sina Faith Da Silva bilang Flamarra at Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: