Ruru Madrid at John Arcilla, reunited sa Manila International Film Festival
Lumipad papunta ng Los Angeles, California si primetime action hero Ruru Madrid para sa Manila International Film Festival (MIFF) na idinaos sa Beverly Hills.
Naroon si Ruru bilang representative ng pelikulang Green Bones, kasama ang co-star niya ditong si Sofia Pablo.
Sa pagdalo ni Ruru sa MIFF, muli silang nagkita ng award-winning actor na si John Arcilla.
Co-stars ang dalawa sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan kung saan gumaganap si John bilang negosyante at philantropist na si Julio na isa palang underground crime boss at kontrabida sa karakter ni Ruru na si Lolong at masked alter-ego nitong si Bangkil.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni John ang ilang litrato nila ni Ruru na magkasama sa isang photo spot sa MIFF.
"Bangkil at Julio sa Hollywood?" sulat niya sa caption ng kanyang post.
Bukod sa pagdalo niya sa MIFF, nasa California si John bilang isa sa mga performer sa "Konsyerto Para sa Filipino" na benefit concert para sa Filipino community sa Amerika.
Patuloy na tumutok tapatan nina Ruru Madrid at John Arcilla sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.
SILIPIN DIN ANG RED CARPET APPEARANCE NINA RURU MADRID AT SOFIA PABLO SA MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL DITO: