Soliman Cruz at Jun Sabayton, gaganap na 'tunay na makasalanan' sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan'
Sina Soliman Cruz at Jun Sabayton naman ang mga bagong makasalanang ipinakilala ng GMA Pictures sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan.
Ayon sa cast reveal ng GMA Pictures sa Samahan Ng Mga Makasalanan, sina Soliman at Jun ay kabilang sa mga aabangang "tunay na mga makasalanan" sa pelikula.
"Sila'y kabilang din sa mga tunay na makasalanan--sina Boss Luis (Soliman Cruz) at Boss Taya (Jun Sabayton)!
Dagdag pa sa cast reveal si Deacon Sam na gagampanan ni David Licauco.
"Siyempre, nandito rin si Boss David Licauco! Sa kanya lang tayo magpapaalipin!"
Bukod kina David, Soliman, at Jun, kabilang sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan sina Sanya Lopez, Joel Torre, Buboy Villar, David Shouder, Liezel Lopez, Jade Tecson, Betong Sumaya, Chariz Solomon, at marami pang iba.
Abangan ang bagong pelikula ng GMA Pictures na Samahan Ng Mga Makasalanan sa April 19.