Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, Julie Anne San Jose
TV

Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose, nagpagalingan sa 'SLAY'

By Aimee Anoc
Updated On: March 12, 2025, 02:31 PM
Pagbibidahan nina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose ang pinakabagong murder mystery series na 'SLAY.'

Magsisimula na ang imbestigasyon tungkol sa pagkasunog at pagkamatay ng fitness influencer na si Zach Zamora sa pinakabagong murder mystery series na SLAY.

Bibida sa SLAY sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv. Kasama ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio bilang Zach at Royce Cabrera bilang Juro.

Sa interview ng 24 Oras, ibinahagi nina Gabbi, Mikee, Ysabel, at Julie Anne ang kanilang nararamdaman na maging leading ladies sa isang murder mystery drama, na anila ay challenging.

"Ito siguro 'yung pinaka-interesting para sa akin na napunta sa aking role kasi ibang-iba siya sa kung ano ako as a person," sabi ni Julie Anne.

"It's very unpredictable and led by an all-women cast, ayon ang pinakamasaya. We are working together, we are friends so kitang-kita 'yung chemistry on screen," ani Gabbi.

Hinikayat ni Mikee ang co-actors na magpagalingan sa serye sa pamamagitan ng isang healthy competition para mas magampanang mabuti ang kanilang roles.

"I really wanted to encourage all of us, ang buong cast na ilabas namin 'yung best ng isa't isa. And, ang saya naman na nararamdaman namin 'yon sa set kasi wala akong nararamdaman na negative competition sa mga 'to," pagbabahagi ni Mikee.

"I love na we all look seemingly innocent pero may tinatago rin pala kaming mga sikreto. And, ano 'yung mga reason kung bakit makakapatay ng tao ang isang babae," dagdag ni Ysabel.

Isang nga ba kina Amelie (Gabbi), Sugar (Mikee), Yana (Ysabel), at Liv (Julie Anne) ang pumatay kay Zach?

Mapapanood din sa SLAY ang mahuhusay na aktor na sina James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.

Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.

Mapapanood na ang SLAY sa Viu Original ngayong March 3 at sa GMA Prime simula March 24.

Panoorin ang full trailer ng Viu Original para sa SLAY sa video na ito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.