Abangan ang 'Lutong Pinasarap' ngayong Linggo
Doble ang saya ngayong Linggo, March 2, sa pagsasama ng cooking talk shows na Pinas Sarap at Lutong Bahay na handog ng GMA Public Affairs at GTV.
Makakasama rito ang Pinas Sarap host at journalist na si Kara David na siguradong handang tuklasin ang history at istorya ng culinary destination na kanilang bibistahin.
Hindi rin magpapatalo ang Lutong Bahay host na si Mikee Quintos na game sumubok ng mga recipes mula sa iba't ibang panig ng bansa.
Mapapanood din sa special episode na ito ang resident celebrity chef ng Lutong Bahay at kumpare sa kusina na si Jaime De Guzman o mas kilala bilang Kuya Dudut.
Saan kaya dadayo at makikipagkulitan sina Kara, Mikee, at Kuya Dudut?
At ano-anong recipes kaya ang kanilang ihahain para sa mga kapitbahay?
Abangan 'yan sa Lutong Pinasarap ngayong Linggo, March 2, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito sa simulcast screening ng GTV.