Atty. Felipe L. Gozon, muling pinagtibay ang commitment ng GMA sa responsible journalism
Muling pinagtibay ni GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon ang commitment ng network sa responsableng pamamahayag sa kabila ng paglaganap ng digital disinformation at fake news sa social media.
Sa panayam sa kaniya ni Pia Arcangel para sa pilot episode ng Power Talks, sinabi ni Atty. Gozon na pormal nang pinagtibay ng GMA Network ang responsible journalism bilang company policy. Aniya, mas naipapahayag ito sa tagline ng network.
“Walang kinikilingan, walang interes na pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang,” sabi ni Atty. Gozon.
Inihayag din niya ang kaniyang paniniwala na ang traditional media, kabilang na ang GMA Network, ay meron pa ring importanteng role sa lipunan kahit ngayon nagiging popular na ang social media.
“That's why it's called the fourth or the fifth estate. It shapes public opinion. I mean, by reporting the facts, the public forms its opinion on that,” pagpapatuloy ng network chairman.
Sinang-ayunan din ni Atty. Gozon na sapat mataas ang standards, “It has to be truthful, factual.”
Bago pa pumasok sa media industry si Atty. Gozon at maging chairman ng Kapuso Network, marami na rin siyang naranasan, kabilang na ang pagiging parte ng isang law firm. Kuwento niya, naging private secretary pa siya noon ng kaniyang ama noong nagtrabaho ito sa gobyerno.
BALIKAN ANG PAGBISTA NOON NINA ANDRE AT KOBE PARAS KAY ATTY. GOZON SA GALLERY NA ITO:
Ibinahagi din ni Atty. Gozon na gusto niya noon maging isang trial lawyer dahil, aniya, madalas niya itong nakikita sa mga pelikula. Ngunit dahil lagi umanong nade-delay ang mga kaso niya sa korte, na naging dahilan para paulit-ulit na aralin ang mga ito, nasabi niyang, “This is not for me.”
Dagdag pa niya, "It's a big waste of time. If you really study and you don't get to trial then, you really have to refresh our memory again and it's not worth it."
Nang tanungin naman siya kung ano ang maipapayo sa mga kabataan na gustong makamit ang mga bagay na katulad ng mga nakuha rin niya, ang sagot ni Atty. Gozon, “Well, very simple. Just do what I did. Set your goal. Work very hard. In achieving that focus, be honest and have integrity. And treat everyone fairly."
Panoorin ang buong panayam kay Atty. Felipe L. Gozon dito: