
Masaya ang award-winning actress na si Marian Rivera sa mga patuloy na sumusuporta sa kanyang pelikula na Balota, kung saan siya ay gumaganap bilang ang guro na si Emmy.
Matatandaan na simula noong January 31 ay napapanood ang Balota sa popular video-streaming platform na Netflix at umabot pa ito sa top spot ng Pilipinas at sa ibang bansa.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sinabi ng Kapuso Primetime Queen na napapanahon ang naturang pelikula dahil sa nalalapit na eleksyon.
“Sobrang speechless kami dahil hanggang ngayon 'yung mga tao tinatangkilik talaga ang Balota at napapanahon 'yan dahil alam natin malapit na ang eleksyon,” aniya.
Matatandaan na nagwagi si Marian bilang isa sa Best Actress ng Cinemalaya 2024 dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Teacher Emmy sa Balota.
Unang napanood ang Balota sa 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong August 2024 at nagkaroon ng nationwide theatrical release ng new cut ng pelikula noong October 2024.
Related gallery: Cinemalaya 2024 Best Actress Marian Rivera is full of gratitude
Bukod dito, ibinahagi rin ng renowned actress na magbabalik siya sa primetime at may upcoming film ngayong taon.
“Definitely, babalik ako sa primetime and then, movie definitely this year din,” lahad niya.
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video na ito.