'SLAY' trailer, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens
Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang full trailer na inilabas ng Viu Original para sa upcoming murder mystery series na SLAY noong Martes, February 25.
Bibida sa SLAY ang GMA's next dramatic superstars na sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv. Kasama ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio bilang Zach Zamora.
Ilan pa sa mahuhusay na artista na bubuo sa SLAY ay sina Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, at Jay Ortega.
Sa two-minute trailer, mas nakilala sina Sugar, Liv, Amelie, at Yana at kung anong klaseng relasyon ang mayroon sila sa fitness influencer na si Zach, na nasunog at namatay. Isa nga ba sa kanila ang pumatay kay Zach Zamora?
Matapos na mapanood ang trailer, maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang excitement na mapanood ang SLAY.
Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.
Ang SLAY ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Rod Marmol.
Mapapanood na ang SLAY sa Viu Original simula March 3 at abangan ito soon sa GMA Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: