Gabby Concepcion, may sikreto sa pagiging young-looking
Nananatiling young-looking ang 60-year-old actor na si Gabby Concepcion.
Ibinahagi ni Gabby ang sikreto niya patungkol dito sa "Chika Minute" report sa 24 Oras na ipinalabas nitong Martes, February 25.
Ayon sa seasoned actor, self-love o pagmamahal at pag-aalaga sa kaniyang sarili ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mukha pa rin siyang binata at maayos ang kaniyang kalusugan.
RELATED CONTENT: Then And Now: Photos of Gabby Concepcion that prove he ages like fine wine
Sa tuwing siya ay kakain, tila lagi niya munang pinag-iisipan kung ano ang makabubuti o makakasama para sa kaniyang katawan.
“I take things moderately. Ngayon at nalalaman mong what to eat and what not to eat, may conscience ka para isipin na ano ba ito? Makakabuti ba sa akin 'to or hindi,” pahayag niya.
Sa Instagram, mapapansin sa kaniyang solo photos na talaga namang walang kupas ang kaniyang taglay na kakisigan at kagwapuhan.
Nagsimula si Gabby sa mundo ng show business sa edad na 15 years old, at mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang kaniyang karera sa industriya.
Huling napanood si Gabby sa telebisyon sa My Guardian Alien bilang ka-love team ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong 2024.
Bumida rin ang aktor sa ilang GMA series tulad ng First Yaya, First Lady, at Stolen Life.