SLAY teaser
Courtesy of Viu Original
TV

Teaser ng GMA's first Viu Original series na 'SLAY,' inilabas na!

By Aimee Anoc
Updated On: March 12, 2025, 01:52 PM
Panoorin ang teaser ng Viu Original para sa 'SLAY' na pagbibidahan nina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose dito.

Inilabas na ng Viu Original ang teaser nito para sa upcoming murder mystery series na SLAY.

Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.

Bibida sa SLAY ang GMA's next dramatic superstars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose. Makakasama rin nila sa serye ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio.

Sa one-minute teaser, ipinakilala na ang mga karakter na gagampanan nina Gabbi bilang Amelie, Mikee bilang Sugar, Ysabel bilang Yana, at Julie Anne bilang Liv.

Ipinakita sina Amelie, Sugar, Yana, at Liv na isa-isang tinatanong sa interrogation room tungkol sa pagkasunog at pagkamatay ng fitness influencer na si Zach Zamora, na gagampanan ni Derrick.

Ilan pa sa mahuhusay na artista na bubuo sa SLAY ay sina Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, at Jay Ortega.

Ang SLAY ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Rod Marmol.

Mapapanood na ang SLAY sa Viu Original ngayong March 3 at abangan ito soon sa GMA Prime.

SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.