GMA Logo The Caretakers stars Ashley Sarmiento and Marco Masa
Photo by: regalfilms50 (IG)
What's Hot

Ashley Sarmiento at Marco Masa, mapapanood sa horror film na 'The Caretakers'

By Aimee Anoc
Published February 25, 2025 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

The Caretakers stars Ashley Sarmiento and Marco Masa


Ayon kina Ashley Sarmiento at Marco Masa, ibang-ibang AshCo ang mapapanood sa 'The Caretakers,' kung saan makakasama nila sina Iza Calzado at Dimples Romana.

Present ang Sparkle love team na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa sa naganap na Red Carpet Premiere ng kinabibilangan nilang horror film na The Caretakers, na ginanap sa Cinema 3 The Block sa SM North EDSA noong Lunes, February 24.

Ito ang kauna-unahang film project nina Ashley at Marco nang magkasama, kung saan anila ibang AshCo ang mapapanood sa pelikula.

"Syempre, may moments pa rin naman kami pero hindi in a kilig way," sabi ni Marco sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras.

"Weird way," dugtong ni Ashley. "This horror film is gonna be like family drama balance na katatakutan."

A post shared by Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)

Sa The Caretakers, mapapanood si Ashley bilang Ali, habang makikilala naman si Marco bilang Gani.

Pinagbibidahan ang pelikula nina Iza Calzado at Dimples Romana. Mapapanood ang The Caretakers sa mga sinehan simula February 26.

Samantala, bukod sa kanilang pelikula, abala rin ngayon sina Ashley Sarmiento at Marco Masa sa pagbabalik sa season 2 ng hit youth-oriented show na MAKA, na napapanood tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: