Bianca Umali sa fans na nag-aabang sa 'Sang'gre': 'The goal is to make them proud'
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Bianca Umali ngayon sa kanyang career ay ang big role sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa continuation ng iconic telefantasya na ito ng GMA, mapapanood si Bianca bilang Sang'gre Terra, ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Sa interview ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ipinarating ni Bianca ang excitement na mapanood na ng lahat ang pinaghirapang proyekto.
"Hindi ako makapaghintay na maging worth it lahat ng dugo't pawis na ibinuhos ng lahat ng mga tao na nandoon [na] kasama ko sa set," sabi ng aktres.
Hangad din ni Bianca na maging proud ang fans sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Maraming Encantadiks ang nag-aabang nito. And, the goal is to make them proud," dagdag niya.
Makakasama ni Bianca bilang new-gen Sang'gres sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: