GMA Logo fpj sa gma
What's Hot

'FPJ Sa GMA,' mapapanood na simula March 2

By Jansen Ramos
Published February 16, 2025 7:41 PM PHT
Updated February 17, 2025 5:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

fpj sa gma


Matapos ang 30 taon, muling mapapanood sa GMA ang FPJ Sa GMA tuwing linggo, simula March 2, sa oras na 3:15 ng hapon.

Matapos ang 30 taon, magbabalik ang mga klasikong pelikula ng late King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sa orihinal nitong tahanan sa telebisyon.

Muling mapapanood sa GMA ang FPJ Sa GMA tuwing linggo, simula March 2, sa oras na 3:15 ng hapon.

Ipapalabas sa GMA ang ilang digitally restored films ng National Artist For Film bilang isa sa biggest offerings ng Kapuso Network sa ika-75 anibersaryo nito na may temang “Forever One With The Filipino.”

Ang pagbabalik ng FPJ sa GMA ay maisasakatuparan matapos pumirma ng isang partnership agreement ang Kapuso Network at ang FPJ Productions, Inc., ang responsable sa pagre-restore ng mga pelikula ni Da King, noong December 3, 2024.

Narito ang ilang larawan mula sa contract signing ceremony.