Filtered By: Showbiz News | News
Derek Ramsay
photo by: ramsayderek07 IG, chepoxz IG
Showbiz News

Derek Ramsay kay Philmar Alipayo: 'Okay ka na. Paano si Pernilla?'

By Kristine Kang
Dismayado si Derek Ramsay sa ginawa ni Philmar Alipayo sa kanilang kaibigan na si Pernilla Sjoö.

Hindi na mapigilan ni Derek Ramsay na magsalita tungkol sa sitwasyon ng kanyang kaibigan na si Pernilla Sjoö dahil sa isyu nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Bilang kaibigan, nag-aalala na raw si Derek sa Swedish photographer na apektado sa bashing ng netizens kaugnay sa kanyang matching tattoo kay Philmar.

Si Pernilla raw kasi ang pinatatamaan ni Andi sa Instagram posts nito, kung saan tinawag pa niya raw itong "wolf in sheep's clothing" sa isang cryptic message.

Dismayado si Derek sa pagka-iresponsable ng content creator sa kanyang postings dahil dapat ito ay pinag-uusapan na lang ng personal.

Ayaw niya rin sa aksyong ginawa ni Philmar tungkol sa isyu at naniniwalang ang surfer raw ang mas may kasalanan sa lahat ng ito.

"I think Philmar plays the bigger role in that wrong, as a man. Bilang isang lalaki, kung ako nasa sapatos niya at meron akong bestfriend na babae at sinabihan ako, 'Magpa-tattoo tayo,' hindi ko gagawin iyon out of respect to my wife kahit may problema kami. Pambabastos na iyan sa asawa ko, di ba? Pilipino tayo, e," sabi ni Derek. "Again I stressed, Pern realizes her mistake there even if it's a cultural difference. She understands that she was wrong and she wanted to talk. She messaged and she reached out."

Labis ang dismaya ng aktor sa professional surfer, dahil pinabayaan lang daw nito si Pernilla na masaktan sa mga bash ng netizens .

"Philmar, the problem you got a tattoo with Pern. That's 80% your fault and for you not to have the balls to stand-up and say, 'This is all on me. I wronged my wife.' Unahin mo 'yung asawa mo. 'I wronged my wife and I wronged my friend.' Own it and maybe I will have some respect from you," ani Derek.

"Wish Philmar, excuse me for using this term, would have the balls to be a man. Magpakalalaki ka! Ayusin mo ang problema mo sa asawa mo, unahin mo iyan. Tama ka diyan, pero huwag mong bastusin 'yung tao na tumulong sa iyo sa lahat ng problema mo. Ipagtanggol mo 'yung tao. Sabi mo okay na kami, then ayusin mo, ipakita mo talaga na okay."

Isa pang ayaw niya sa surfer ay no'ng nalaman niya na si Pernilla pala raw mismo ang nakiusap sa surfer na magsalita tungkol sa issue.

"Siya pa 'yung [nag-message] kay Philmar, 'Please, you need to make a statement about this.' Imagine mo! Your so called bestfriend, siya pa! 'Yung babae nag-reach out sa'yo Philmar para magkaroon ng statement. Ano'ng sinabi mo? 'I know,' iyon lang? And then ang sasabihin mo is pare, 'Okay na kami. This should all have handled in private. Sana okay na rin kayo'? Wow! Inumpisahan n'yo ito tapos biglang ganun na lang?" kwento ng aktor.

Ayon kay Derek, madalas na nasa kwarto na lang si Pernilla at umiiyak. Sa sobrang takot nito sa fans ni Andi, hindi na raw pumapasok sa trabaho ang Swedish at dine-activate ang kanyang social media. Kaya naman labis ang pag-aalala ni Derek at ang boyfriend mismo ni Pernilla na baka ano pang mangyari sa kanya.

"Ikaw, okay ka na, di ba? Paano si Pern na umiiyak? Kasi puro na lang paninira, gigising siya iyan na lang mababasa niya. Hindi siya makalabas ng pamamahay niya. We live in a world of bashers. It's just people love to bash (or) get the opportunity to bash," mariing sinabi ni Derek.

Panoorin ang buong panayam ni Derek Ramsay dito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.