Filtered By: Showbiz News | News
Jopay
SOURCE: GMA Public Affairs
Showbiz News

SexBomb Jopay rates Filipino dancers, celebrities

By Hazel Jane Cruz
Updated On: February 12, 2025, 06:04 PM
Check out Jopay's rating for your favorite showbiz and online personalities here.

Isang fun na chikahan ang pinagsaluhan ng former SexBomb dancer na si Jopay Paguia kasama sina Jenzel Angeles at Hazel Cheffy sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay.

Humarap din si Jopay sa “Pataas o Pababa Ranking Challenge” ng Lutong Bahay hango sa sikat na kanta ng SexBomb na “The Spageti Song” kung saan binigyan niya ng pababa at pataas na ratings ang iba't ibang Filipino dancers at showbiz personalities.

Ilan lamang sa mga Filipino dancers na binigyan ng ranking ni Jopay ay ang influencer at content creator na si Niana Guerrero.

“Pataas! Sobrang gusto namin ni Joshua [si Niana]. Pati 'yung bunso (Natalia) pati 'yung kapatid niyang lalaki (Ranz Kyle),” sagot ni Jopay.

Ni-rate din nito ang It's Showtime host na si Vhong Navarro, “Pataas! Nakatrabaho ko na 'yan dati pa sa mga [...] shows namin at mayroon kaming ginawang collab niyan sa TikTok. Umabot siya sa 8M [views]!”

RELATED GALLERY: Popular Pinoy dance crews

Buong-tapang ding binigyan ng rating ni Jopay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, “Ay, siyempre, pataas 'yan!”

“Ang ganda ng haircut niya ngayon,” puri pa ni Jopay sa new look ng Kapuso Primetime Queen.

Ngunit ang pinakagusto raw ng SexBomb member kay Marian ay ang personality nito, “Pero alam mo sa totoo lang, gustong-gusto ko -- hindi lang gustong-gusto; love ko siya. Kasi 'yung personality niya, totoo. Straightforward din kasi siya, parang ako.”

Pababa naman ang binigay na ranking ni Jopay sa Streetboys member na si Spencer Reyes, “Actually pababa, pero hindi naman porket pababa ay hindi ko ano siya…” paliwanag ni Jopay, “Pero noong nakita ko siya, nag-concert sila Batang '90s, mabait. Very approachable.”

Natuwa naman si Jopay nang makita sa game ang kapwa SexBomb dancers na sina Aira Bermudez at Kapuso actress Rochelle Pangilinan na pareho nitong bingyan ng Pataas na rating.

“Pataas 'yan. [...] Sa dancing lang, gusto ko sa kaniya, 'pag nagtuturo siya, detalye. At hindi siya 'yung bossy na choreographer,” paliwanag ni Jopay sa kaniyang rating kay Aira.

Samantala, kay Rochelle naman, “Pataas 'yan. Pataas 'yan. Sobrang pataas 'yan. Pinakamalambot na katawan sa amin si Rochelle.”

Pinuri rin nito ang katangian ni Rochelle bilang leader, “Leader talaga. Talagang, ano, kumbaga parang you need to respect si Rochelle kasi ito 'yun at hindi ka niya mapapasama.”

Panoorin ang Lutong Bahay mula Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GTV. Abangan din ang surpresang handog nito ngayong Linggo, February 16, 6:15 p.m. sa GMA.

RELATED GALLERY: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.