Anthony Rosaldo collaborates with Mastermind for 'Batubalani' choreography
Talaga namang mapapasayaw ka sa swabeng choreography ng bagong single ni Anthony Rosaldo na "Batubalani."
Noong Miyerkules (February 5), inilabas na ng Kapuso Pop Rocker ang music video ng "Batubalani" kung saan nakipag-collaborate siya sa dance group na Mastermind para sa choreography.
Kilala ang Mastermind dance crew sa kanilang synchronize na galawan at husay sa pagsasayaw.
Sa comments section ng music video, inulan si Anthony ng papuri mula sa netizens kung saan, anila, nakaka-"lss" at "napakaganda" ng awitin.
Napapakinggan na ang "Batubalani" sa iba't ibang music streaming platforms tulad ng iTunes, Spotify at YouTube Music.
Agad na nanguna sa iTunes Philippines chart ang "Batubalani" nang ilabas ito noong January 31 under GMA Playlist.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANTHONY ROSALDO SA GALLERY NA ITO: