Jennylyn Mercado and Dennis Trillo set to star in a new primetime project in GMA
Inanunsyo ni Jennylyn Mercado ang ilang proyektong aabangan sa kanya ngayong muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network ngayong Martes, January 21.
Isa na sa mga nakalinya niyang gawin ang bagong primetime project na pagsasamahan nila ng kanyang asawa at 50th Metro Manila Film Festival Best Actor na si Dennis Trillo.
Ang huli nilang pinagsamahang proyekto ay ang 2020 mini series na Truly. Madly. Deeply.
Noong 2015, bumida sina Jennylyn at Dennis sa GMA drama na My Faithful Husband na ipinalabas sa GMA Prime.
Nagkatrabaho rin sila sa 2007 fantasy series na Super Twins.
Bago ang aabangan nilang TV show, mapapanood muna sina Jennylyn and Dennis sa romantic comedy movie na Everything About My Wife na collaboration ng GMA Pictures at CreaZion Studios, kasama ang Glimmer Philippines. Ito ang una nilang pelikula bilang mag-asawa.
Noong 2010, nagkama sila sa period drama film na Rosario.