TINGNAN: Ang mga artista sa family comedy movie na 'D' Ninang'
Sa pagbubukas ng taong 2020, isang warm family comedy ang handog ng Regal Entertainment. Narito ang ilang larawan mula sa grand media launch ng 'D' Ninang' na ginanap noong Miyerkules, January 8, sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City.
D' Ninang
Dumalo sa grand media launch ng 'D'Ninang' ang direktor at cast members nito: (mula kaliwa) director GB Sampedro, McCoy De Leon, Kisses Delavin, Aiai Delas Alas, Angel Guardian, Kiray Celis, at Lou Veloso.
Aiai Delas Alas
Pagbibidahan ni Aiai Delas Alas ang 'D' Ninang,' kung saan gaganap siya bilang lider ng mga magnanakaw na tumutulong sa kanilang komunidad.
Kisses Delavin
Gagampanan ni Kisses Delavin ang papel ni Mikay, ang long-lost daughter ng karakter ni Aiai.
Kiray Celis
Bibigyang-buhay ni Kiray ang papel ni Lorena, isa sa mga pinakamakukulit na miyembro ng grupo ng mga magnanakaw na pinamumunuan ng binansagang 'D'Ninang.'
Angel Guardian
Ang Kapuso actress na si Angel Guardian ay gagampanan ang papel ni Sol sa comedy film. Siya ang kanang-kamay ng karakter ni Aiai.
McCoy De Leon
Si McCoy De Leon ang love interest ni Kisses sa pelikula. Caloy ang pangalan ng kanyang karakter dito.
Lou Veloso
Si Lou Veloso ang magsisilbing sidekick ni Aiai sa 'D'Ninang.' Gagampanan niya ang papel ni Lolo Medi na gagamitin ang katandaan para makapagnakaw.
GB Sampedro
Ayon sa direktor ng 'D'Ninang' na si GB Sampedro, kinabahan siya sa pagdi-direk ng pelikula dahil halos lahat ng cast members nito ay first time niyang nakatrabaho.