Liezel Lopez, binalikan ang kanyang 'StarStruck' journey: 'I wanna be an actress'
Binalikan ng Asawa ng Asawa Ko actress na si Liezel Lopez ang pagsali noong 2015 sa StarStruck Season 6 at ang pangarap na maging isang artista.
Sa Kapuso Exclusives video kung saan nakasama niya ang kapwa Sparkle star na si Arra San Agustin, ikinuwento ni Liezel na bata pa lamang ay pangarap na niyang maging isang aktres.
"Simula bata kasi ako gusto ko lang talagang mag-act. I wanna be an actress," sabi ni Liezel.
"So, nu'ng time na binigyan ako ng chance na mag-audition sa StarStruck... kaya parang feeling ko masyado rin kayong na ano sa akin kasi sobrang like focused na focused ako. Like kailangan maayos 'to, kailangan galingan ko 'to.
"Masyado akong focused na wala akong time para maka-chika, para akong may sariling mundo that time. Kasi naisip ko na 'This is it! Kaya kapag natanggal ako, wala na. My dreams are gone.' So, talagang I really have to fight for my dreams [during] those times."
Kabilang si Liezel sa finalists ng StarStruck Season 6 kung saan nakasama rin niya si Arra, na isa naman sa top 6.
Samantala, pabirong kinompronta ni Liezel si Arra kung nag-vote out ba ito sa kanya noon sa StarStruck.
"Oo," mabilis na sagot ni Arra.
Paliwanag niya, "Kasi magaling ka e'. So kailangan kita i-vote out. Ako, wala akong bad blood with anyone. Wala akong hindi gusto sa inyo. So, doon tayo sa praktikal, doon tayo sa business side of this. Iboboto ko 'yung makakatalo sa akin, which is ikaw 'yon, girl."
Pinuri rin ni Liezel ang husay ni Arra sa StarStruck. Aniya, "Alam ninyo si Arra dati sa StarStruck, siya ang aming "sleeping dragon." Totoo 'yan. Chill, chill lang 'yan s'ya, pero kapag 'yan talaga nagising, 'Oh my god, lagot kaming lahat.'"
Ayon naman kay Arra, ang pinaka nag-stand out sa kanya noon sa StarStruck ay si Liezel. Sabi niya, "Si Liezel, magaling 'yon. No joke, no bola."
Panoorin ang fun video nina Liezel at Arra sa Kapuso Exclusives dito:
TINGNAN ANG SEXY PHOTOS NI LIEZEL LOPEZ SA GALLERY NA ITO: