Filtered By: Showbiz News | News
darryl yap
Showbiz News

Kampo ni Darryl Yap, nilinaw na wala pang official court order para ipatigil ang promo ng kanyang pelikula

By Kristine Kang
Nakatakdang magbigay ng sagot ang kampo ni Darryl Yap sa Petition for Writ of Habeas Data na inihain ni Vic Sotto.

Nagsalita muli ang kampo ng direktor na si Darryl Yap ukol sa reklamong natanggap nila mula sa television host at aktor na si Vic Sotto.

Paglilinaw nila, hindi pa opisyal o wala pa sila na natatanggap na utos mula sa korte na itigil ang paglabas ng promotional materials ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.

Nakatakda pa raw kasi sila na magsumite ng kanilang sagot sa inihaing Writ of Habeas Data ni Vic Sotto. Nakasaad dito, "Finding the Petition sufficient in form and substance, let a writ of habeas data issue directing respondent Darryl Ray Spyke B. Yap to submit a verified return of the writ within five (5) days from receipt thereof in." Ibibigay raw ng kampo ni Darryl Yap ang kanilang sagot ngayong Miyerkules (January 15), kung saan ipaglalaban ang karapatan ng direktor sa Freedom of Artistic Expression.

Kamakailan lang, sinagot din ng abogado ni Darryl na si Atty. Raymond Fortun ang ilang mga katanungan tungkol sa kontrobersiyang pelikula. Isa na rito ang paglilinaw nila na ibinigay raw ng direktor ang script ng teaser kay Vic upang magbigay muna ng kanyang opinyon bago ito binuo.

“The purpose was really for them to give comments dun sa script, so wala naman po. Ilang beses po na nag-follow-up si Direk Darryl na tungkol dun until finally na shoot na lahat ng scenes, so hindi na namin kasalanan 'yun,"

Patuloy ang promotion ng pelikula sa publiko kagaya ng inilabas nitong poster sa social media ni Direk Darryl mismo.

Matatandaang naghain ng Writ of Habeas Data at 19 cyber libel cases si Vic Sotto laban kay Darryl Yap dahil sa umano'y paglabag nito sa Data Privacy Act.

"Since Daryl admits that the subject of the case is the case filed by Pepsi Paloma against me, he is without a doubt processing my sensitive personal information. What is worse is that he maliciously and purposefully left out the fact that the said case was already dismissed because it's not true, " sabi ni Vic sa kanyang reklamo.

Ayon din sa kampo ng TV host, nakatanggap din ng banta at bullying ang mag-ina ng aktor dahil sa teaser ng pelikula.

"Sa ngayon nakakatanggap ng mga rape threats ang asawa niya (at) binu-bully ang kanyang anak sa eskwela. So kailangan umaksyon na talaga," pahayag ng abogado ni Vic, Atty. Enrique Buko Dela Cruz.

Ang reaksyon naman ng inirereklamong direktor ay kalayaan naman ng kahit sino na maghain ng reklamo. Nilinaw din niya na talagang nagsampa noon ng kaso si Pepsi laban kay Vic. “Ito ay nasa maraming lathalain, ito ay nasa mga naburang bidyo, ito ay nasa mga lumang dyaryo. Alam nang mga nakakaalam noon, at alam na ng mga nagtatanong ngayon,” sabi niya.

Tingnan ang iba pang celebrities na naghain ng cyber libel sa gallery na ito:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.