
Bago pa naging parte ng isang action-packed na serye ay napansin na ni King of Talk Boy Abunda ang isang young actor sa dating reality talent search ng GMA Network na Battle of the Judges.
Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, January 10, ay sinabi ni Boy na itong young aktor ay isa sa mga model dancers nila sa Battle of the Judges, at inaming napansin niya ang commitment nito sa kaniyang ginagawa.
“Naalala ko 'yun, hindi puwedeng hindi ka mapansin dahil sasabihin mo, 'Sino ang batang 'yan?' 'Yung bigay talaga, 'pag magbibigay, ibibigay todo,” sabi ng batikang host.
Kilalanin kung sino ang young actor na ito rito: