Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Vic Sotto, naghain ng 19 counts ng reklamong cyber libel laban kay Darryl Yap

By Kristine Kang
Ipinatigil na ng korte ang pagpapalabas ng anumang video na lumalabag sa privacy ni Vic Sotto, kabilang na ang teaser ng pelikula.

Personal bumisita mismo sa Office of the Prosecutor ng Muntinlupa ang aktor at TV host na si Vic Sotto para ihain ang kanyang 19 counts ng reklamong cyber libel laban sa direktor na si Darryl Yap.

Dahil ito sa umano'y "malisyoso at mapanirang-puri" teaser na inilabas ng direktor para sa kanyang pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma, kung saan nabanggit ang pangalan ni Vic.

Kalakip sa reklamo ang civil damages na katumbas ng PhP20 million. Bago pa niya inihain ang cyber libel, nagsampa rin ng Petition for Writ of Habeas Data.

Nakasaad sa kanyang reklamo, "I also felt that my right to privacy was being violated because this rape accusation is NOT TRUE and the dissemination of this wrong information is fooling a lot of people."

Dagdag pa niya nilabag ng direktor ang Data Privacy Act ang ginawa ng direktor dahil ang teaser ay naglalaman ng kanyang sensitive personal information.

"Since Daryl admits that the subject of the case is the case filed by Pepsi Paloma against me, he is without a doubt processing my sensitive personal information. What is worse is that he maliciously and purposefully left out the fact that the said case was already dismissed because it's not true, " sabi ni Vic sa reklamo.

Ayon din sa abogado ni Vic na si Atty. Enrique Buko Dela Cruz, nakatanggap din daw ng mga banta at bullying ang asawa ng aktor na sina Pauleen Luna at ang kanilang anak.

"Sa ngayon nakakatanggap ng mga rape threats ang asawa niya [at] binu-bully ang kanyang anak sa eskwela. So kailangan umaksyon na talaga," pahayag ng abogado.

Naglabas naman ng reaksyon si Direk Darryl sa isang Facebook post.

Aniya, "Kalayaan ng kahit sino ang magsampa ng reklamo.”

Nilinaw din niya na talagang nagsampa noon ng kaso si Pepsi laban kay Vic.

"Ito ay nasa maraming lathalain, ito ay nasa mga naburang bidyo, ito ay nasa mga lumang dyaryo. Alam nang mga nakakaalam noon, at alam na ng mga nagtatanong ngayon."

Kahapon, January 9, lumabas na ang order ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 na itigil ang pagpapalabas ng ano mang video lumalabag sa privacy ng aktor, kabilang na ang teaser ng pelikula.

Tingnan ang iba pang celebrities na naghain ng cyber libel sa gallery na ito:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.