GMA Logo Bianca Umali bilang Sang'gre Terra
Photo by: bianxa (IG)
What's on TV

Bianca Umali, pinahanga ang ilang celebrities sa teaser ng kanyang new-gen 'Sang'gre' role

By Aimee Anoc
Published January 2, 2025 3:55 PM PHT
Updated May 16, 2025 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali bilang Sang'gre Terra


Panoorin dito ang pasilip ni Bianca Umali bilang ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa na si Sang'gre Terra.

Marami na ang excited sa bagong bigating karakter na gagampanan ni Bianca Umali sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa Instagram, isang teaser video ang inilabas ni Bianca para sa upcoming series na Sang'gre, kung saan may pasilip siya bilang Sang'gre Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.

Sa pagsisimula ng video, binalikan ni Bianca ang mga tumatak niyang roles kung saan nagbihis siya bilang Lawiswis mula sa Mulawin vs. Ravena, Sahaya mula sa Sahaya, at Farrah Makadatu mula sa Legal Wives.

"Ang susunod na kabanata," caption ni Bianca sa post.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Nakatanggap ng komento si Bianca mula sa ilang celebrities at personalities, at maging sa co-stars sa Sang'gre tulad nina Glaiza De Castro at Shuvee Etrata.

Noong December 30, inilabas na ng GMA Network ang teaser para sa Sang'gre kung saan ipinasilip ang ilan sa mga aabangang eksena at karakter sa serye.

Ilan sa mga ipinasilip ay ang fights scenes ni Terra kasama ang iba pang new generation Sang'gres na sina Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.

Ipinasilip din ang mga karakater nina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Rhian Ramos bilang Mitena.

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong 2025 sa GMA Prime.

BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: