
Isang kuwento ng tagumpay at pagbabalik-tanaw sa career ni Ruru Madrid ang ibinahagi ng personal assistant niyang si Anton Cesario.
Ayon sa Facebook post ni Anton, siya at ang dating manager ni Ruru - ang yumaong si Direk Maryo J. Delos Reyes - naniniwala noon pa na darating ang oras na makikilala ng publiko ang husay ng Kapuso actor. Sabi pa niya, alam niyang kung nabubuhay ang kilalang direktor ay masayang masaya siya sa pagkilala kay Ruru.
Si Ruru ay tumanggap ng Best Actor in a Supporting Role award para sa pelikulang Green Bones sa katatapos lamang na "MMFF 50 Gabi ng Parangal." Gumanap sa GMA Pictures at GMA Public Affairs film na ito si Ruru bilang prison guard na si Xavier Gonzaga.
PHOTO SOURCE: GMA Pictures
Ani Anton, "Noon pa lang, namamanifest na namin ni Direk Maryo J. Delos Reyes na balang araw darating ang oras na aakyat ka sa stage para tumanggap ng mga parangal. Kaya kung nabubuhay man si Direk Maryo--na siyang unang naniwala sa iyong talento at naging manager mo--siguradong super happy siya sa lahat ng magagandang natatamasa mo ngayon, lalo na ang award na natanggap mo kagabi sa MMFF."
Ayon kay Anton, mahirap ang pinagdaanan ni Ruru sa showbiz at ngayon ay nakilala na siya sa kaniyang husay bilang isang aktor.
"Lahat ng pagod, hirap, at sakripisyo na pinagdaanan mo mula day one hanggang ngayon, nag-pay off na! Gusto kong isigaw sa buong mundo kung gaano kita ipinagmamalaki. Manatili kang mapagkumbaba at grounded, dahil ang tunay na pagpapala ay dumadaloy sa mga pusong bukas sa kabutihan ng Diyos."
Sa huli, isang congratulatory message ang iniwan ni Anton para kay Ruru.
"Congratulations sa aming Best Actor in a Supporting Role - Ruru Madrid!"
SAMANTALA, BALIKAN ANG NOTABLE TV AND FILM ROLES NI RURU MADRID: