GMA Logo Dennis Trillo, Ruru Madrid
Source: gmapictures/IG
What's Hot

Dennis Trillo, Ruru Madrid, may Christmas surprise para sa mga manonood ng 'Green Bones'

By Kristian Eric Javier
Published December 26, 2024 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo, Ruru Madrid


Puno ng pasasalamat sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa mainit na pagtanggap at suporta ng manonood sa 'Green Bones.'

Isang kakaiba at masayang regalo ang handog nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa opening day ng 50th Metro Manila Film Festival nang bisitahin nila ang ilang mga mall at sinehan para i-promote ang kanilang pelikula na Green Bones.

Itinuturing naman na isang Christmas surprise ng mga manonood ang biglaang pagbisita nina Dennis at Ruru, kasama pa sina Jennylyn Mercado, at ang batikan scriptwriter na si Ricky Lee. Ilan sa mga binisita ng mga aktor ay ang SM City San Lazaro, Fishermall Quezon Ave., at Quantum Skyview, Gateway Mall 2 kung saan ipinalabas ang trending na trailer ng kanilang pelikula.

Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Miyerkules, December 25, ay puno ng pasasalamat ang dalawang bida hindi lang sa suportang natatanggap ng Green Bones, kundi maging sa pagdami ng screening ng kanilang pelikula.

“Happy holidays po sa inyong lahat, siyempre masayang-masaya na ganito 'yung pagtanggap ng mga tao du'n sa pelikula namin, at mas marami pa lalo 'yung nanonood kaya thankful sa inyong lahat, salamat po,” sabi ni Dennis.

Natutuwa naman si Ruru nang makitang maaga pa lang ay marami nang nakapila at nag-aabang para panoorin ang kanilang pelikula.

“Sobrang nakakataba po ng puso and hopefully, magustuhan niyo po ang pelikulang ito, para po sa inyo 'to,” sabi ng aktor.

TINGNAN ANG PAGBISITA NINA DENNIS AT RURU SA MGA MALL SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa pagpunta sa mga mall at sinehan at pagbenta ng tickets, isa sa highlights ng kanilang mall tour ay ang pagsorpresa nila sa mga unang nakapanood ng Green Bones. At bukod sa pagpapakuha ng litrato sa dalawang bida, ang ilang manonood ay nakatanggap pa ng t-shirts ng pelikula.

Hindi dito natatapos ang pagbisita nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa mga sinehan dahil marami pa silang pupuntahan at sosorpresahin sa ibang mga araw.

Panoorin ang buong panayam kina Dennis Trillo at Ruru Madrid dito: