Filtered By: Showbiz News | News
Dennis Trillo, David Licauco
Source: gmapinoytv/IG
Showbiz News

Dennis Trillo, David Licauco, naghatid ng saya at kilig sa Global Pinoys sa Japan

By Kristian Eric Javier
Updated On: December 11, 2024, 09:04 AM
Puno ng kilig ang hatid nina Dennis Trillo at David Licauco sa kanilang pagbisita sa mga Global Pinoys sa Japan.

Nagbigay ng saya ang mga bida ng hit historical drama series na Pulang Araw na sina Dennis Trillo at David Licauco sa Global Pinoys sa Japan nang magpunta sila roon para sa GMA Hour ng “Philippine Festival Tokyo 2024: Winter Concert” sa Yoyogi Park.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, December 9, sinabi niyang naghandog ng song numbers ang dalawang aktor para sa Global Pinoys sa Tokyo. Hinarana ni David ang Filipino community sa Japan, habang hinandugan naman sila ni Dennis ng Christmas song.

Inawit ng Kapuso Drama King ang kilalang awitin na “Sana Ngayong Pasko,” at maging ang themesong ng pelikulang Hello, Love, Again na “Palagi.”

Si Dennis, napasabak pa sa trending dance challenge na “APT” dance challenge. Hindi rin nagpahuli ang Global Pinays sa pagiging competitive sa Maria Clara went to Town Game kasama si David.

TINGNAN ANG SAYA AT KILIG NA HATID NINA DENNIS AT DAVID SA GLOBAL PINOYS SA JAPAN SA GALLERY NA ITO:

Hindi lang sa performance nila sa nasabing festival nagbigay ng saya sina Dennis at David dahil maging sa kani-kanilang TikTok account ay may entry sila.

Tila isang date sa “Land of the Rising Sun” ang video entry ni Dennis kung saan makikita siyang kahawak ang kamay ni David at may musical scoring pa.

Caption ni Dennis sa video, “Yuta and Hiroshi… #fyp #foryoupage #loversinjapan @David Licauco.”

Komento ng isang netizen, tila season 2 iyon ng LGBTQA+ series ni Dennis noon na My Husband's Lover.

Kumasa naman ang dalawa sa Disco challenge sa video entry ni David. Caption ng aktor, “With my idol at Tokyo Tower :) @Dennis #fyp.”

Watch on TikTok

Sa hiwalay na video post ng GMA Pinoy TV sa Instagram, tila naging choreographer pa ng Pambansang Ginoo si Dennis habang tinuturuan ito kung paano gagawin ang naturang challenge.

Bukod sa pagpapasaya nina Dennis at David ng Global Pinoys, bumisita rin ang dalawang aktor sa Philippine Embassy sa Tokyo. Bilang pagbibigay-pugay sa kanilang mga karakter sa hit historical fantasy-portal series na Maria Clara at Ibarra, nag-donate ng kopya ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Tinanggap naman ni Philippines Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano ang kanilang donasyon at nagbigay ng kaniyang pasasalamat sa dalawang aktor.

Panoorin ang buong report sa 24 Oras dito:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.