Cloud 7, nais makatrabaho sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at iba pang Kapuso stars
Kilala ang Cloud 7 bilang isa sa rising P-pop groups ngayong taon. Ang kanilang mga kanta ay nagiging inspirasyon sa kanilang fans dahil puno ito ng mga pangarap at kuwento ng kanilang pagsisikap bilang youngest P-pop group ng Sparkle.
Sa patuloy nilang pag-abot sa kanilang mga pangarap, nakakamit na rin ng Cloud 7 ang ilang milestones na matagal nilang inaasam. Kamakailan lang, nakasama sila sa iba pang Kapuso artists para kantahin ang 2024 Christmas Station ID ng GMA. Para sa grupo, isang malaking tagumpay ito, lalo na't kinalakihan nila ang panonood ng mga Station ID at pinapangarap makasama rito.
"Very thankful (din) kami kasi growing up, siyempre kids kami, nakikinig din kami sa mga Station ID ng networks. It's been a part of our journey growing up, 'yung pag Pasko nakikinig ng Christmas songs (at) Christmas Station ID," pahayag ni Lukas.
Ngunit hindi lang sa musika ang pangarap ng Cloud 7. Sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com, ibinunyag ng grupo ang kanilang hangaring maging aktor sa mga pelikula at television shows.
Isa sa mga miyembro ng grupo na si Migz Diokno ay sinimulan na ang kanyang acting career bilang batang Hiroshi sa GMA hit drama series na Pulang Araw.
Kuwento ni Migz, labis ang kanyang kasiyahan na makasama sa iconic project at makatrabaho ang kanyang idolo na si David Licauco.
"Sobrang honored po ako dahil naging part po ako ng show sa GMA na sobrang ganda po and very happy po ako while doing the show. Sobrang dami ko pong na-explore and natutunan," masayang sinabi ni Migz.
"Best experience ko po is nakasama ko po 'yung idol ko po na si David Licauco. Parang sobrang overwhelming and sobrang happy ko po nakikita ko siya po mag-acting and napapanood ko po siya," dagdag niya.
Habang si Migz ay nagsimula na sa pag-arte, nais din ng ibang miyembro ng Cloud 7 na makatrabaho ang mga bigating Kapuso stars.
Sina PJ at Kairo, pangarap daw na makasama ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang proyekto.
Para naman kay Egypt, dream come true sa kanya na maka-eksena ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa isang pelikula o serye.
Masaya rin si Lukas na ipahayag ang kanyang interes na maging guest sa GMA family comedy show na Pepito Manaloto at makatrabaho si Michael V.
"Kaming lahat po, actually we're willing nga po and nag-a-acting workshop po kami sa GMA," kuwento ni Egypt.
Samantala, kilalanin pa ang P-pop group na Cloud 7 dito: