Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Elmo at Janine, more kilig factor sa 'More Than Words'

Updated On: July 17, 2020, 11:19 PM
Mas magaan daw ang kanilang bagong show. Na-miss na rin nila ang taping na kasama ang isa't isa.
By MICHELLE CALIGAN

After their successful team-up in the hit afternoon drama Villa Quintana, young Kapuso stars Elmo Magalona and Janine Gutierrez will reunite in the small screen in the upcoming series More Than Words.

They will be joined by fellow young artists Enzo Pineda, Mikoy Morales, Stephanie Sol, and Coleen Borgonia, as well as veteran actors Jaclyn Jose, Rey PJ Abellana, and Leni Santos.

"Sobrang excited lang po kami na ibang kuwento naman 'yung gagampanan namin at mga bagong artista at direktor ang makakasama namin. Nagpapasalamat po talaga kami," shares Janine during the show's story conference.

Ang magiging direktor ng programang ito ay walang iba kundi si Direk Andoy Ranay, na ang huling proyekto ay ang katatapos lamang na Ang Dalawang Mrs. Real.

Mas kikiligin ba ang kanilang fans sa kanilang pagbabalik-tambalan?

"Ita-try namin siyempre, kasi iba rin ito sa Villa [Quintana] dahil nag-focus talaga 'yung sa family. Ambigat talaga ng pinanggagalingan nina Lynette at Isagani. Dito naman, [ang] ipapakita namin ay mas magaan na kuwento at mas kikiligin ka," sagot ni Elmo.

Matagal bago nasundan ang Villa Quintana, pero hindi naman daw nawalan ng communication ang dalawa. In fact, mas madalas nga raw silang nagkakausap at nagkikita.

"Hindi naman nag-iba. Actually mas nagkasama pa kami ni Janine pagkatapos, which I am very happy about," pahayag ni Elmo, na sinang-ayunan naman agad ni Janine.

"Nagsa-SAS din po kami so nagtatrabaho pa rin kami together. Pero sobrang excited na talaga kami mag-taping kasi nakaka-miss talaga 'yung taping at bago na namang kuwento, bagong characters."
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.