What's Hot

James Reid falls off Cosmo Bash stage

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Watch how young teen heartthrob James Reid fell off the stage at the Cosmo Bachelor Bash.
By FRJ, GMA News

 
Kabilang ang ilang Kapuso hunks sa mga rumampa sa taunang Cosmopolitan Bachelor Bash nitong Miyerkules ng gabi. Ang heartthrob na si James Reid, aksidenteng nahulog naman sa stage.
 
Sa ulat ng GMA late night news Saksi, sinabing kabilang sa mga Kapuso hunk na nagpainit ng gabi ay sina Geoff Eigenmann, Pancho Magno at Benjamin Alves.
 
Tinilian din nang husto sina Rafael Rosell, Jeric Gonzales at JC Tiuseco.
 
Kasama ring rumampa si Mister Philippines International 2014 PO2 Mariano Flormata Jr., na mapapanood nang umarte sa Magpakailanman episode sa Sabado.
 
 
Samantala, nahulog naman sa entablado ang heartthrob na si James Reid habang nagpe-perform.
 
May suot na dark glasses ang young actor habang kumakanta nang bigla itong mawala sa ibabaw ng stage.
 
Kaagad naman siyang nakaakyat sa stage at itinuloy ang pagkanta na parang walang nangyari.
 
Kumalat naman kaagad sa Internet ang naturang insidente at maraming netizens ang humanga sa propesyunalismo ng aktor.